Labas na Bakal sa Slab? Eto ang Totoong Ginawa Ko.

Written by Lerry Turgo  •  December 11, 2025 in Personal Experience

Isa sa mga nakaka-stress sa pagpapagawa ng Bahay ay yung mga palpak na trabaho ng worker. Isa dito ay ang labas na bakal sa slab.
.
Usually ang reason nito ay di naglagay ng spacer yung worker habang nagbubuhos ng slab kaya sobrang nipis ng concrete cover. Kaya nag-spall, umangat yung semento, at lumitaw yung bakal.

Nag-search ako online kung paano ito ma aayos.

Sa aking pag search online nalaman ko na di pwede ang cemento lang o masilya ang ipang takip.

Buti nalang mayron akong nakita sa youtube na gumamit sila ng mga Buildrite Products.

Gumamit sila ng Rust converter, Epoxy Primer, Buildrite Confix HV, Patch V.

Nagtanong tanong ako sa mga harware dito sa Baler, Aurora ng mga produktong ito ngunit tanging Rust converter, Epoxy Primer lang ang mayron. Sa ngayun ang  Buildrite Confix HV at Patch V  ay di available sa Baler, Aurora. Kaya napilitan pa talaga ako mag-order online at dumating naman yung mga products sa tamang oras.

Pagdating ng materials ay nagpatulong ako sa kaibigan kong pintor upang iapply yung napanuod ko sa Youtube.
Sabi nya first time niya gagamit ng Confix HV at Patch V, pero willing naman siyang itry dahil nakita niya rin yung process.

Nilinis muna nya yung area, nilagyan ng rust converter para ihinto yung kalawang, tapos epoxy primer. Pagkatapos, pinahiran gamit ang Confix HV at niretouch/tinapalan nang maayos gamit ang Patch V.

Pagkatapos ng lahat, natuwa ako sa resulta. Mula sa nakakabahalang exposed na rebar, naging solid, malinis, at protected na ulit yung slab.

Nakunan ko ng short video yung actual na pag-fix, para ma share ko din yung ginawa namin.

Spread the Aurora vibe — share this post!
0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments